Popio Na May Mahabang Medyas
(Tagalog språk)
1
Popio Na May Mahabang
Medyas (Longstocking)
Panimula:
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang batang babae na matibay
ang loob, sobrang lakas at may
sari-saring pakikipagsapalaran. Ang pangalan niya Popio Mahabang Medyas. May kapitbahay
siya, kaibigan at kalaro na dalawang bata
na ang mga pangalan ay Tommy at Annika. Sila ay magkapatid. Si Popio ay
kakaibang batang babae na may dalawang terentas ang buhok at ito ay nakatirik
sa magkabilang taenga, ulila na siya at walang dapat magsabi sa kanya kung ano
ang dapat gawin. Mayroon siyang kabayo na nakatira sa kanyang balkonahe at
maliit na unggoy na ang panglan ay G. Nilsson.
Si Popio ay lumipat na sa
kanyang Villa Villekulla
Sa dulong-dulo ng
isang maliit na baryo ay may lumang-luma ng malaking bahay na yari sa kahoy.
May malaking bakuran at maraming mga halamang bulaklakin at matataas na punong
kahoy tulad ng puno ng manga, santol at makopa. Subalit mapapansin na mukhang
napabayaan na ang bakurang ito dahil walang nag-aasikaso. Mapapansin na
matataas na ang mga damo, maraming nagkalat na tuyong damo at dahon. Bukod sa
bahay na mukhang walang nag-iintindi o
tumitingin na nagmukhang bahay ito ng multo.
Isang araw ay biglang
dumating si Popio sa baryong ito, upang doon ay manirahan ng pirmihan sa
dahilang wala na siyang mga magulang. At lagi niyang kasama ay ang kabayo at
maliit na unggoy. Maagang namatay ang Ina niya ng siya ay sanggol pa lamang at
ang kanyang ama naman ay biglang nawala sa barkong pinagtatrabhuhan. Kasama
siya ng kanyang ama sa barkong ito kaya’t ng mamatay ang kanyang ama ay umuwi
na siyang mag-isa sa Villa Villekulla.
’’Walang probema,
kaya kung mag-isa’’ sabi ni Popio. ’’Ako ang sobrang lakas, matibay ang loob at
marunong sa lahat.’’
Gabi na at madilim na
ng siya ay dumating ng bahay. Lumobog na ang araw. Itinali niya ang kabayo sa
balkon at kasamang pumasok sa loob ang maliit na unggoy na mukhang namangha sa
lugar na kanilang pinasukan.
Kinabukasan ay
lumabas si Popio ng bahay upang tingnan ang kalagayan ng kapaligiran na punong
puno ng basurang tuyong damo at mga dahon ng punong kahoy.
’’Ay naku, kawawang
bahay kailangang linisin natin G. Nilsson kung hindi ay matatabunan na ang
buong kabahayan at hindi na tayo maaring makalabas ng bakurang ito, hahaha.’’
Sabi niya kay G. Nilsson.
3
Nagulat ang dalawang
batang halos kasing edad ni Poppio ng makita nilang may
tao na pala sa
kanilang kapitbahay.At natuwa sila dahil kasing edad nila at mayroon na silang
kalaro. Lumapit ang dalawang bata na
magkapatid na sila Tomas at Annika.
Namangha sila sa hitsura ni Popio na may dalawang terentas na nakatirik
sa magkabilang taenga, maraming pekas ang buong mukha, maliit na ilong na
parang kamatis, at magkaibang kulay na mahabang medyas at napakalikot. At bukod
pa ron may maliit na unggoy na nakasakay sa kaliwang balikat.
’’Wow, kakaiba siya
sa atin, puwede kaya siyang maging kaibigan,’’ bulong ni Tomas sa kapatid.
’’Subukan natin.’’ sagot ni Annika.
Si Tomas at Annika ay
mabait at masunuring bata subalit naghahanap sila ng kaibigan.
’’Hoy, kumusta ka?’’
pagbati ni Annika na medyo nahihiya pa. ’’Kami ang iyong mga kapitbahay, kailan
ka dumating? tanong ni Tomas.
’’Lumobog na ang
sikat ng araw ng ako ay dumating kaya’t siguro ay naghihilik na kayo sa inyong
subsuban, hehehe!’’ sagot ni Popio.
’’Puwede ba tayong
maging magka-ibigan at maglaro tayo araw-araw,
sabay tanong ng magkapatid kay Popio.
’’Oo naman mga
kaibigan, oo nga pala ito si unggoy liit na,tinatawag kong G. Nillson.’’
Pagpapakilala ni Popio sa dalawa. ’’Mabait siya, hindi nangangagat. Huwag
kayong matakot’’ pag-aalala ni Popio.
Inanayayahan ni Popio
sina Tomas at Annika na pumasok sa magulo niyang tahanang maalikabok at walang
kaayusan ang mga muebles. Nag-aatubili ang mag-kapatid subalit masigasig si
Popio.
’’Huwag na kayong
mahiya pasok na! pagpupumilit ni Popio. ’’Kakain tayo ng almusal, masarap akong
gumawa ng champorado na may tsokolatee at iinom tayo ng gatas ng kalabaw.’’
Biglang nabuhay at kumislap ang mga mata ng magkapatid ng marinig ang sinabi ni
Popio. Bigla silang nagutom at nakalimutan ang magulong tahanan ni Popio.
Tuloy tuloy sila sa
kusina na doon ay may nakahandang kaserola na may malagkit na bigas at
isinalang ni Popio sa kalan. Hinahalo niya ito paminsan minsan at alam na alam
ni Popio kung ito ay malapit ng maluto dahil ang champorado ay kumukulong
parang bulkang sasabog. Isinabay na rin
ang paghahanda ng pulbos na tsokolate na binati niya sa gatas at asukal.
’’Ayan luto na at
malapot na malapot pa dahil sa tsokolate at gatas.’’ Pagmamalaki ni Popio.
Inilgay iya ang mga mangkok sa la mesa. ’’Kanya-kanyang sandok tayo, subalik
ingat kasi mainit ito.’’ Babala ni Popio kay Tomas at Annika.
3
Hindi akalain ng
magkapatid na magaling at napakasarap ng champorado ni Popio. Hangang-hanga
silang magkapatid.
’’Nakatagpo tayo ng
matalino, maparaan, at maabilidad na kaibigan habang buhay.
Sa la mesa ay
inihanda na rin ni Popio ang inuming gatas ng kalabaw at apat na tasa. Apat kasi sila, kakain din si G. Nilsson.
Tuwang –tuwa at busog
na busog ang magkapatid sa inihandang almusal ni Popio.
Pagkatapos nilang
kumain. Ipinakita ni Popio ang kanyang boung kabahayan sa dalawa. ’’Ang laki ng
bahay mo at mag-isa ka lang, kaya mo ba itong linisan’’ tanong ni Tomas.
’’Oo naman, katulong ko
G. Nilsson ’’, ’’ ekeeeek’’ sigaw ng unggoy.
Nang sila ay
papalabas na ng bahay ay may dalang isang mangkok ng gatas si Popio.
’’Para kanino yan’’,
tanong ni Annika.
’’Para sa aking
kabayo, kailangan din niyang kumain di ba?’’ sagot ni Popio.
’’Bakit siya nasa
balkon?’’ tanong ni Tomas. ’’Para madaling pakainin kung oras ng pagkain at
siya ay bantay salakay ng Villa Villekulla.
Ok di ba? Pagyayabang ni Popio.
Hindi makalimutan ng
magkapatid na Tomas at Annika ang Champorado at gatas ng kalabaw ni Popio. At
higit sa lahat ang kabayo ni Popio na nakatira sa balkon. Napag-alaman nila na
pwede palang tumira ng kabayo sa balkon ng bahay. ’’Smart Popio.’’ Bulong ni Tomas kay Annika.
Buhat noon ay nagi na
silang matalik na mag-kakaibigan at masayang naglalaro.
Natutuhan nilang
tanggapin ang bawat-isa kahit na iba’t iba ang ugali nila at hitsura.
Wakas
E. M.
Fantastiskt att ha en Pippi-berättelse på tagalog språk!
SvaraRadera